Nilamon ng apoy ang 13 naka-park na mga motorsiklo sa Brgy. Igcabugao, Igbaras, Iloilo matapos na sinunog ng itinuturong mga miyembro ng New People's Army.
Naganap ang insidente noong gabi ng Marso 21, 2022 sa tapat ng bahay ng isang sibilyan na halos isang kilometro ang layo mula sa patrol base ng CAFGU.
Ayon sa report ng Philippine Army, limang persona na nakasibilyan ang pumunta sa bahay, tinutukan ng baril ang may-ari ng bahay at sinunog ang mga motorsiklo.
Napag-alaman na mga sibilyan at mga miyembro ng CAFGU ang nagmamay-ari ng mga motorsiklo na ngayon ay galit dahil apektado ang kanilang hanapbuhay.
Pinaghahanap na ng militar upang maaresto ang mga suspek at nakipag-ugnayan na sila sa pulisya, kasama na rito ang pag-alarma sa malapit na mga patrol base ng militar.
photo: DPAO
#iloilonews
Note:
Please follow us on our other links:
https://iloilonewsandevents.blogspot.com/
https://www.instagram.com/iloilonews/
https://twitter.com/IloilonewsE
https://web.facebook.com/antiquenewsandevents
https://web.facebook.com/guimarasnews
https://web.facebook.com/ilonggolife
https://web.facebook.com/iloilobalita
https://www.youtube.com/channel/UCSWEU5-OJ7vxTc1y3En_QgA
thank you in advance for liking, sharing and subscribing...
Comments
Post a Comment