Nagtamo ng sugat sa kanang bahagi ng katawan ang biktima na si Marlyn Powden, 31-anyos, na idineklarang dead on arrival sa Don Jose S. Monfort Medical Center Extension Hospital sa Barotac Nuevo, Iloilo ng nagkalingang doktor na si Dr. Arriane Gabriela.
Nangyari ang insidente ganap na alas 8:00 ng umaga, Marso 20, 2022, sa Sitio Balagon, Brgy. Badiang, Anilao, Iloilo.
Kinilala ang suspek na si Federico Solis, 49-anyos, live-in partner ng biktima at residente din ng nasambing lugar.
Ang sugat na natamo ng biktima ay mula sa kutsilyong may habang 10 pulgada at ang motibo ng insidente ay dahil sa selos ng suspek.
Ayon sa Anilao MPS, bago pa man nangyari ang insidente inagaw na ng suspek ang cellphone ng biktima dahil sa pagdududa na may tini-text na ibang tao ang biktima.
May insidente din noon na pinalakol ng suspek ang cellphone ng biktima dahil sa selos ngunit ayon naman sa kamag-anak ng biktima na hindi totoo nga may textmate si Marlyn.
May tatlong anak ang mga ati na mag-live-in na sina Marlyn at Federico.
Hinabol ng kapulisan at nahuli ang suspek pasado alas 11:00 ng umaga sa Brgy. Tuburan, Pototan, Iloilo at siya ay nasa kustodiya na ng Anilao MPS.
#iloilonews
Note:
Please follow us on our other links:
https://iloilonewsandevents.blogspot.com/
https://www.instagram.com/iloilonews/
https://twitter.com/IloilonewsE
https://web.facebook.com/antiquenewsandevents
https://web.facebook.com/guimarasnews
https://web.facebook.com/ilonggolife
https://web.facebook.com/iloilobalita
https://www.youtube.com/channel/UCSWEU5-OJ7vxTc1y3En_QgA
thank you in advance for liking, sharing and subscribing...
Comments
Post a Comment