Nangyari ang vehicular accident sa pagitan ng tricycle at motorsiklo na nagresulta ng pagkamatay ng dalawang tawo at pagkasugat ng apat na pasahero.
Naganap ang aksidente sa kalsada ng Brgy. Ilaya 1st, Dumangas, Iloilo ganap na alas 5:45 ng umaga, Marso 20, 2022.
Namatay si Rechie Viñas, 37-anyos, ng Brgy. Ilaya Poblacion, Barotac Nuevo, Iloilo na siyang nagmamaneho ng Yamaha Aerox 155 na motorsiklo, habang sugatan naman ang angkas nito na si Marvin Gingco ng Bacolod City, Negros Occidental.
Namatay din si Paciano Descalsota, 54-anyos, ng Brgy. Calao, Dumangas, Iloilo dahil sa natamong sugat sa ulo at siyang nagmamaneho ng tricycle.
Nagtamo rin ng sugat sa katawan ang mga pasahero ng tricycle na sina Ma. Evelyn Bernante 57-anyos; Nelly Jabsaban, 82-anyos; at 12-anyos na babaye na mga residente ng Brgy. Calao, Dumangas , Iloilo.
Ayon sa Dumangas MPS, salubong ang sitwasyon ng banggaan ng motorsiklo na papuntang Barotac Nuevo, Iloilo at ang tricycle naman ay papunta sa bayan ng Dumangas, Iloilo.
Samantala, ilan sa mga biktima na may minor na sugat ang nakalabas na mula sa Ramon D. Duremdes District Hospital sa bayan ng Dumangas.
#iloilonews
Note:
Please follow us on our other links:
https://iloilonewsandevents.blogspot.com/
https://www.instagram.com/iloilonews/
https://twitter.com/IloilonewsE
https://web.facebook.com/antiquenewsandevents
https://web.facebook.com/guimarasnews
https://web.facebook.com/ilonggolife
https://web.facebook.com/iloilobalita
https://www.youtube.com/channel/UCSWEU5-OJ7vxTc1y3En_QgA
thank you in advance for liking, sharing and subscribing...
Comments
Post a Comment