Pinasalamatan ni Governor Arthur Defensor, Jr. ang Korea International Cooperation Agency (KOICA) at ang gobyerno ng South Korea sa pagpursige ng rehabilitation at development ng Concepcion fish port sa ilalim ng Northern Iloilo Fishery Rehabilitation Project (NIFDR) kahit na may ilang technical issues na hinarap ito noong nakalipas na mga taon.
Pinondohan ng KOICA ang 150 million pesos na proyekto bilang bahagi nga kanyang tulong sa lalawigan ng Iloilo kasunod ng mga pinsala dahil sa bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013.
Napag-isipan ang plano noong panahon pa ni former Governor Arthur Defensor, Sr. kasama ng kanyang Provincial Administrator na si Raul Banias na ngayon ay alkalde ng nasambing bayan.
Nagsimula ang proyekto noong huling bahagi ng nakaraang taon, ayon kay Banias, ngunit ang opisyal na groundbreaking ceremony ay ginawa noong Miyerkules, Marso 16, 2022 kasunod ng pagluwang sa COVID-19 regulations at travel restrictions.
Dumalo sa groundbreaking ceremony sa project site ang mga KOICA officials na sina Country Director Kim Eunsub, Asst. Country Director Lee Takgun, at KOICA Philippines Program Manager Francis Afable.
Unang naisipan ang plano noong 2013 nang nakita ng KOICA officials ang pinsala na naidulot ng bagyong Yolanda sa northern Iloilo.
Kasama sa proyekto ang konstruksyon ng Administration Building, Fish Market, 75 meter-causeway at rockwall revetment na inaasahan na makumpleto sa Hulyo 2024.
#iloilonews
Note:
Please follow us on our other links:
https://iloilonewsandevents.blogspot.com/
https://www.instagram.com/iloilonews/
https://twitter.com/IloilonewsE
https://web.facebook.com/antiquenewsandevents
https://web.facebook.com/guimarasnews
https://web.facebook.com/ilonggolife
https://web.facebook.com/iloilobalita
https://www.youtube.com/channel/UCSWEU5-OJ7vxTc1y3En_QgA
thank you in advance for liking, sharing and subscribing...
Comments
Post a Comment