MORE POWER, PINAGHAHANDAAN ANG PAGLAKI NG LOAD REQUIREMENT SA PAMAMAGITAN NG PAGLAGAY NG 33 MVA TRANSFORMER
Inaasahan na ng MORE Power ang paglaki ng load requirement sa City Proper Area kaya't ang 30 taong 20 MVA power transformer ay kanila nang papalitan ng mas may malakas na kapasidad na 33 MVA power transformer.
Sinabi ni MORE Power Iloilo President Roel Castro na kanilang inaasahan ang dagdag na humigit-kumulang sa limang porsyento na load requirement dahil sa umuunlad na lungsod at ang posibleng pagbukas ng maraming mga negosyo dahil na rin sa lumuluwag na kilos ng mga tao sa gitna ng pandemya.
Tinatrabaho na nila ang 33 MVA power transformer para sa City Proper area at dahil dito ang ibang power load ng City Proper Area ang inilipat sa mga feeders na nagkokonekta sa mga substation sa La Paz, Molo, Jaro at Mandurriao upang hindi maapektuhan ang suplay ng kuryente sa City Proper area.
Comments
Post a Comment