Humaharap na ng kaso na paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong suspek na nasa kustodiya na ng Iloilo City Police Station 6.
Nahuli ang tatlong suspek ng mga kagawad ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6 (RPDEU6) at nagkakahalaga ng 238,000 pesos na suspected shabu ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation sa Zone 4, Barangay Sto. Niño Norte, Arevalo, Iloilo City noong Marso 21, 2022 ganap na alas 8:15 ng gab-i.
Kinilala ang mga suspek na sina:
1) Jessie A Chavez, alyas Dodoy, 30-anyos, binata, at residente ng Zone 5, Barangay Sto. Niño Norte, Arevalo;
2) Arlene R Dalanon, alyas Vicvic, 42-anyos, dalaga at residente ng Zone 4, Sto. Niño Norte, Arevalo; at,
3) Annjee V Mandal, alyas Angie, 35-anyos, kasado, at residente ng Barangay West Timawa, Molo, pawang sa lungsod ng Iloilo.
Hinuli sila matapos na nakipagsabwatan at nagbenta sa police poseur-buyer ng isang sachet ng suspected shabu sa halaga na 7,400 pesos.
Narekober sa kanilang pagmamay-ari at kontrol ang 20 na sachet ng suspected shabu na may bigat na halos 35 gramos na tinatayang nagkakahalaga ng 238,000 pesos at iba pang non-drug items.
photo by: PRO6 Public Information Office
#iloilonews
Note:
Please follow us on our other links:
https://iloilonewsandevents.blogspot.com/
https://www.instagram.com/iloilonews/
https://twitter.com/IloilonewsE
https://web.facebook.com/antiquenewsandevents
https://web.facebook.com/guimarasnews
https://web.facebook.com/ilonggolife
https://web.facebook.com/iloilobalita
https://www.youtube.com/channel/UCSWEU5-OJ7vxTc1y3En_QgA
thank you in advance for liking, sharing and subscribing...
Comments
Post a Comment