Aabot sa 2,000 na mga empleyado ng Iloilo Provincial Government ang inaasahan na sasali sa Funwalk/Streetdance parade ngayong Lunes, Abril 4, 2022, para sa pagbubukas ng 121st Semana sang Iloilo.
Ang mga empleyado, na hinati sa anim na mga kumpol, ay magtitipon sa bike lane sa harap ng Toyota Showroom (noon ay Marina Restaurant) sa Diversion Road at mag-uumpisa ang Funwalk/Streetdance parade ganap na alas 7:00 ng umaga.
Maglalakad sila papuntang Injap Tower Hotel, liliko sa kanan sa Jalandoni Street, Bolilao, Mandurriao at didiretso sa Magsaysay road papasok sa Iloilo Sports Complex kung saan gaganapin ang flag raising ceremony at opening program.
Ito ang unang pagkakataon makalipas ang dalawang taon na may gagawing mga aktibidad sa selebrasyon ng Semana sang Iloilo na nag-alaala sa anibersaryo ng civil government ng Iloilo province noong Abril 11, 1901.
Inaprubahan ni Governor Arthur Defensor, Jr. ang pagsagawa ng mga aktibidad para sa Semana sang Iloilo dahil sa bumababa na ang COVID-19 cases at upang ma-highlight ang kahalagahan ng kasaysayan ng lalawigan. Ngunit pinapaalaala nito ang pagsunod sa minimum health protocols sa magkakaibang mga aktibidad.
“Overcoming difficulties, braving possibilities”, ito ang tema ngayong taon ng selebrasyon.
TRADE FAIR AND EXHIBITS
May gaganapin na Trade Fair and Exhibits umpisa Abril 4 hanggang Abril 11 sa Provincial Capitol lobby at Casa Real na lalahukan ng iba't-ibang micro-small and medium enterprises sa lalawigan.
SPORTS EVENTS
May kompetisyon din ang mga empleyado sa iba't-ibang sporting events umpisa Abril 4 hanggang Abril 8.
KANTAHAN SA PARK WITH FOODFEST
Umpisa Abril 7 hanggang Abril 11, may inuman at kainan para sa publiko sa Capitol grounds sa gilid ng Philippine Red Cross at Carpark building kung saan may mga local musicians na tutugtog umpisa alas 5:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gab-i sa event na tinatawag bilang Kantahan sa Park with Foodfest.
BLOODLETTING ACTIVITY
Sa Abril 6, ang Philippine Red Cross, Iloilo Provincial Government at Association of Iloilo Provincial Government Employees (AIPGE) may isasagawang bloodletting activity umpisa alas 8:00 ng umaga sa Grand Social Hall ng Casa Real.
ANIMAL NEUTERING AND VACCINATION
May gaganapin din ang Provincial Veterinary Office na Animal Neutering and Vaccination sa Casa Real grounds sa Abril 7 umpisa alas 8:00 ng umaga.
SPECIAL RECRUITMENT ACTIVITY
Iniimbita din ang mga naghahanap ng trabaho na pumunta sa Special Recruitment Activity na gaganapin sa Public Service Employment Office (PESO) sa Abril 5 at Abril 8 umpisa alas 9:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon sa Casa Real.
EMPLOYEES' DAY
Ang Abril 8 ay magiging Employees’ Day kung saan may gaganapin na special events para sa mga empleyado at kanilang mga pamilya.
RIDE FOR RD
Sa Sabado, Abril 9, may fun run na tinatawag bilang “Ride for RD” na isang fund raising event para kay nurse RD Rey P. Zamudio na nagdudusa ng rare medical condition.
Magtatapos ang isang linggo na mga aktibidad sa Abril 11 sa pamamagitan ng thanksgiving mass sa Capitol lobby at tatakpan ini ng Testimonial Programme ganap na 2:00 ng hapon na magbibigay ng angkop na pagkilala sa Iloilo provincial government offices na nakatanggap ng honors and awards para sa taong 2019 hanggang 2021.
via Balita Halin sa Kapitolyo
#iloilobalita
#iloilonews
Note:
Please follow us on our other links:
https://iloilonewsandevents.blogspot.com/
https://www.instagram.com/iloilonews/
https://twitter.com/IloilonewsE
https://web.facebook.com/antiquenewsandevents
https://web.facebook.com/guimarasnews
https://web.facebook.com/ilonggolife
https://web.facebook.com/iloilobalita
https://www.youtube.com/channel/UCSWEU5-OJ7vxTc1y3En_QgA
thank you in advance for liking, sharing and subscribing...
Comments
Post a Comment