Haharap sa kaso na paglabag sa COMELEC Gunban ang dalawang lalaki na kinilala na sina:
1) Danny Lopez y Castor, 41-anyos, binata, at residente ng Brgy. Datagan, Calinog, Iloilo; at,
2) Nixon Loder y Caro, 35-anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Pajo, Lambunao, Iloilo.
Ganap na alas 12:45 ng gab-i, Abril 21, 2022 sa Brgy. Cabugao, Calinog, Iloilo nahuli ang dalawang suspek.
Nagsagawa ng COMELEC checkpoint ang mga pulis sa pangunguna ni Police Major Dadje Delima sa nasabing lugar at nahuli ang dalawang suspek matapos narekober sa kanila pagmamay-ari at kontrol ang sumusunod na mga kumpiskadong items:
1) isang Ingram M11 caliber 9mm na may serial number 135647 na loaded ng isang mahaba na loaded magazine (nakumpiska mula kay Danny Lopez),
2) extra fully loaded magazine para sa Ingram M11 caliber pistol
3) isang .45 caliber pistol (Armscor) na may serial number 254703 na may magazine na nakasingit na loaded ng 9 na live ammunition
4) 31 na live ammunition ng .45 caliber pistol
Nasa kustodiya na ng Calinog MPS ang mga suspek at ang mga narekober na mga baril at bala.
#iloilonews
Comments
Post a Comment