Patay na nang nakarating sa Western Visayas Medical Center ang babae na binaril ganap na alas 8:00 ng gab-i, Abril 2, 2022, sa Brgy. Ungka II, Pavia, Iloilo malapit sa GT Mall.
Kinilala ang biktima na si Lodivina Frange, alias Divine, 50-anyos, ng Brgy. Ungka I, Pavia, Iloilo.
Narinig ang isang putok at nagtamo ng sugat sa liig ang biktima mula sa hindi pa masasabing uri ng baril na naging dahilan ng agad na pagkamatay ng biktima na nakahandusay sa lupa.
Pautang ang negosyo ng biktima, lalo na sa mga tricycle driver sa nasambing lugar, ayon sa kanyang kapitbahay na nagbigay ng impormasyon.
Ayon sa ulat, may tumigil na motorsiklo, nag-usap ang suspek at ang biktima ng halos dalawang minuto, naglakad ang biktima papunta sa motorsiklo niyang nakaparada ngunit nang nakadistansya na ito ng halos dalawang metro agad ito na binaril ng suspek.
Naka-jacket ang suspek, nakapantalon, naka-helmet at may taas na mga 5'5" na mabilis na lumayo papunta sa direksyon ng lungsod ng Iloilo.
Pumunta ang biktima sa nasabing lugar dahil tuwing hapon siya ay naniningil sa mga tricycle driver.
Patuloy ang imbestigasyon ng Pavia MPS upang matukoy ang suspek at ang motibo ng krimen.
Narekober sa eksena ng insidente ang itim na bag ng biktima na may laman na 76,000 pesos na cash, apat na singsing, isang pares ng hikaw, apat na pulseras, isang kwentas, isang Casio na relo, at cellphone.
photo by: BFP
#iloilobalita
#iloilonews
Note:
Please follow us on our other links:
https://iloilonewsandevents.blogspot.com/
https://www.instagram.com/iloilonews/
https://twitter.com/IloilonewsE
https://web.facebook.com/antiquenewsandevents
https://web.facebook.com/guimarasnews
https://web.facebook.com/ilonggolife
https://web.facebook.com/iloilobalita
https://www.youtube.com/channel/UCSWEU5-OJ7vxTc1y3En_QgA
thank you in advance for liking, sharing and subscribing...
Comments
Post a Comment