Nakita na ang bomberong tinangay ng baha tatlong kilometro ang layo mula sa kanyang kinaroroonan na lokasyon bago inanod ng rumaragasang tubig.
Kinilala ng Ajuy Fire Station ang bombero na si FO1 Nick Steven Cañete, tubong Negros Occidental, na tinangay ng baha matapos silang nagrespondi sa Barangay Pinantan Elizalde, Ajuy, Iloilo ganap na alas 11:30 ng gab-i, Abril 11, 2022.
Nakatanggap ng tawag ang Ajuy Fire Station na may mag-ama na humihingi ng tulong upang sila ay ma-rescue na agad namang nirespondihan ng tatlong bombero kasama na si Cañete.Matapos makuha ang mag-ama, sinabihan ni Cañete ang kanyang mga kasama na mauuna siya na tatawid sa rumaragasang baha pabalik sa kanilang firetruck.
Nagtaka ang kanyang mga kasama na wala pa siya sa firetruck kaya siya ay hinanap nila kasama ng mga rescue team hanggang siya ang nakita sa layo na tatlong kilometro.
Agad na tinulungan na maka-recover ang may malay na si FO1 Nick Steven Cañete.
#iloilonews
Note:
Please follow us on our other links:
https://iloilonewsandevents.blogspot.com/
https://www.instagram.com/iloilonews/
https://twitter.com/IloilonewsE
https://web.facebook.com/antiquenewsandevents
https://web.facebook.com/guimarasnews
https://web.facebook.com/ilonggolife
https://web.facebook.com/iloilobalita
https://www.youtube.com/channel/UCSWEU5-OJ7vxTc1y3En_QgA
thank you in advance for liking, sharing and subscribing...
Comments
Post a Comment