Kumakatok sa ginintuang puso ng mga mapagbigay na kababayan ang Office of the Vice Governor at AAMBIS-Owa Party-list.
Noon pa man sa panahon ng bagyo Yolanda gumagawa na ng relief operations ang Operation Gugma ng AAMBIS-Owa Party-list at si Vice Governor Christine "Tingting" Garin.
Sinabi nito na plastado na ang kanilang sistema kaya't mabilis silang makarespondi sa mga emerhensya.
Nakapagbalot at nakapadala na ang Operation Gugma ng ilang libo na mga food packs noong Abril 12, 2022 kahit pa mismo ang kanilang mga staff ay biktima rin ng baha.
Marami ang apektado at mas maraming tulong ang kinakailangan. Dahil dito, umaapela si Vice Governor Christine "Tingting" Garin sa mga makatulong, kandidato man o hindi, Ilonggo man o hindi, na kung pwede magpadala ng tulong. Kailangan ng Iloilo ang inyong tulong.
Pinapasalamatan nito ang mga staff na hindi inalintana ang ulan, baha at peligro upang makapamigay ng tulong sa mga nakakaawang mga apektado ng baha.
#iloilonews
Note:
Please follow us on our other links:
https://iloilonewsandevents.blogspot.com/
https://www.instagram.com/iloilonews/
https://twitter.com/IloilonewsE
https://web.facebook.com/antiquenewsandevents
https://web.facebook.com/guimarasnews
https://web.facebook.com/ilonggolife
https://web.facebook.com/iloilobalita
https://www.youtube.com/channel/UCSWEU5-OJ7vxTc1y3En_QgA
thank you in advance for liking, sharing and subscribing...
Comments
Post a Comment