Parehong namatay ang magkasintahan nga nag-away sa Barangay Tuburan, Santa Barbara, Iloilo ganap na alas 7:00 ng gab-i, Sabado, Abril 9, 2022.
Kinilala ang mga biktima na sina Rachel Lopez, 40-anyos, at Jose Marco Ocampo, 48-anyos, parehong umuuwi sa Lessandra Subdivision, Pavia, Iloilo.
Ayon sa mga mnakakita, hinila ni Ocampo si Lopez at pilit na pinapasakay sa nakaparadang sasakyan ngunit ito'y nagpupumiglas at ayaw niyang sumakay.
Gusto sanang tumulong sa babae ang mga nakakita ngunit sila ay biglang umatras nang nakita nila na may hawak na baril ang lalaki, kaya't sila ay tumawag na ng pulis.
Uminit ang away ng dalawa, hindi sila nagkaunawaan, humingi ng saklolo ang babae, at dahil dumating kaagad ang mga pulis, binaril ng lalaki ang babae na natamaan sa tiyan, binalingan nito ng putok ang mga pulis kaya't siya ang binari din.
Idineklarang dead on arrival ang babae sa Iloilo Mission Hospital habang binawian rin ng buhay ang lalaki habang ginagamot sa Western Visayas Medical Center na sinasabing may tama sa paa ngunit inaalam pa kon may iba pang tama sa katawan.
#iloilobalita
#iloilonews
Note:
Please follow us on our other links:
https://iloilonewsandevents.blogspot.com/
https://www.instagram.com/iloilonews/
https://twitter.com/IloilonewsE
https://web.facebook.com/antiquenewsandevents
https://web.facebook.com/guimarasnews
https://web.facebook.com/ilonggolife
https://web.facebook.com/iloilobalita
https://www.youtube.com/channel/UCSWEU5-OJ7vxTc1y3En_QgA
thank you in advance for liking, sharing and subscribing...
Comments
Post a Comment