Arestado ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO) ang isang high-value individual (HVI) na si alyas "Paulo", 40 taong gulang, binata, walang trabaho, at residente ng DHSBRR, Brgy. Balabag, Pavia, Iloilo. Ang pag-aresto ay ginawa sa isang buy-bust operation sa pangunguna ni Police Major Dadje Delima, hepe ng PDEU sa Brgy Ungka 2, Pavia, Iloilo alas-4:39 ng hapon noong Huwebes, Setyembre 18, 2025.
Mahigit 85 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PHP578,000.00 ang nakumpiska mula sa suspek.
Ang pagbabantay sa kanyang mga iligal na aktibidad ay tumagal ng ilang buwan matapos siyang i-report ng mga concerned citizen sa Pavia, Iloilo dahil sa umano'y pagsali sa mga aktibidad ng ilegal na droga. Ayon sa imbestigasyon, kinukuha niya ang supply ng droga sa Iloilo City at ipinamahagi ito sa Pavia at mga karatig bayan.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Pavia MPS si Paulo at mahaharap sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa RA 9165 na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri naman ni Police Colonel Bayani M Razalan, ang Top Cop ng Iloilo, ang kapuri-puri na performance ng operating team. Tiniyak niya sa komunidad ng Ilonggo na ipagpapatuloy ng IPPO ang pagsisikap na mapuksa ang pagkalat ng ilegal na droga sa Iloilo hanggang sa maaresto ang lahat ng indibidwal na sangkot.
#iloilonews
Comments
Post a Comment