Kapag dumaan ang mga residente sa overpass sa Diversion road, lalo na kapag umuulan, hinahanap nila ang pangako ng lungsod na lagyan ito ng bubong para hindi sila mabasa ng ulan.
Matatandaang mahigit 4 na milyong piso ang inilaan ng lungsod ng Iloilo na inaprubahan ng city council para malagyan ng bubong ang overpass sa distrito ng Mandurriao.
Sinasabing asahan umano noong pang 2024 magsisimula ang paglalagay ng bubong ngunit isang taon na ang lumipas ngunit wala ni isang poste para sa bubong ang naitayo.
Inaprubahan ng Iloilo City Council ang P 411,355,313.50 Supplemental Budget No.2 para sa development fund na kinabibilangan ng pagpapaganda ng overpass na may pondong mahigit 4 milyong piso para sa bubong at ilaw.
Nabatid na mayroon itong elevator para sa mga taong may kapansanan at senior citizen na pinondohan din para ipaayos.
Ayon kay Mr. Joel Gerasmia, Electrical Inspector II sa Iloilo City Engineer's Office, gumastos ang lungsod ng Iloilo ng 5 milyong piso para palitan ang dalawang unit ng elevator na ilang taon nang hindi nagagamit.
Ipinagmalaki ni Gerasmia na mismong si Iloilo City Mayor Jerry TreƱas ang nag-inspeksyon at sumakay pa siya noon.
Idinagdag niya na ang mga bagong elevator ay i-maintain ng City Engineer’s Office.
Ipinagmamalaki ang overpass at itinuturing na "state-of-the-art" at "first of its kind in Western Visayas" na proyekto ng Department of Public Works and Highways. Ito ay pinasinayaan noong 2015 ngunit ang dalawang elevator ay hindi gumagana at hindi nagamit ng ilang taon.
Ang mga larawan ng proyektong ito na iniulat at nai-publish sa balita noong Agosto 2024 ay muling lumabas sa social media.
Nangangahulugan ito na ang proyekto ay magiging 10 taong gulang na ngayong 2025 pagkatapos mapasinayaan noong 2015.
#iloilonews
Comments
Post a Comment