Matagumpay na naaresto ang bagong kinilalang High-Value Individual at ang kasabwat nitong Street Level Individual sa buy-bust operation sa Sitio Camendes, Brgy. Bancal, Carles, Iloilo, alas-10:00 ng gabi noong Martes, Setyembre 16, 2025, ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Carles Municipal Police Station (MPS), sa pangunguna ni Police Major Sonny Boy D Garnace, Chief of Police.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang indibidwal na sina alyas "Pandoy," 46 taong gulang, lalaki, at residente ng Brgy. Pani-an, Balasan, Iloilo, na itinuturing a bagong kilalang High-Value Individual (HVI); at ang kasama nitong si alyas "Jim," 40 taong gulang, lalaki, at residente ng Brgy. Bancal, Carles, Iloilo, na itinuturing na Street Level Individual (SLI).
Nasamsam ng mga operatiba ang 83 gramo ng hinihinalang shabu, na may tinatayang nagkakahalaga ng Php 564,400. Inilunsad ang operasyon kasunod ng tip mula sa isang concerned citizen hinggil sa aktibidad ng ilegal na droga ng mga suspek.
Parehong nasa kustodiya ng Carles MPS ang dalawang naarestong indibidwal. Sasampahan sila ng mga paglabag sa Sections 5 (Sale of Dangerous Drugs) at 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Republic Act 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri ni Police Colonel Bayani M Razalan ang dedikadong pagsisikap ng Carles MPS sa pagpuksa sa ilegal na droga.
#iloilonews
Comments
Post a Comment