Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2025

HIGIT 4.9 MILYONG PISONG HALAGA NG SHABU, NAHULI SA 3 DRUG PERSONALITIES SA CONCEPCION, ILOILO

 Matagumpay na nagsagawa ng anti-drug buy-bust operation ang Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), sa pangunguna ni Police Major Dadje Delima, Team Leader, sa NHA Village, Brgy. Bakhawan Sur, Concepcion, Iloilo, bandang 4:00 ng hapon noong Setyembre 21, 2025. Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto sa isang pangunahing subject na si alyas "Budoy," 43 taong gulang, binata, walang trabaho, at residente ng Brgy. Bolaqueña, Estancia, Iloilo. Isa siyang IPPO-PDEU watchlisted High Value Individual (HVI). Ang kanyang mga kasabwat na kinilalang sina alyas "Kaye," 25 taong gulang, dalaga, at walang trabaho, at alyas "Noy," 16 taong gulang, menor de edad, ay kapwa residente ng Brgy. Salvacion, Concepcion, Iloilo. Inuri sila bilang mga Street-Level Individual (SLI). Nasamsam ng mga operatiba ang humigit-kumulang 730 gramo ng iligal na hinihinalang "shabu," na may Standard Drug Price (SDP) na PhP4,964,000.00....

578,000 PESOS NA HALAGA NG SHABU, NAHULI SA HVI SA PAVIA, ILOILO

 Arestado ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO) ang isang high-value individual (HVI) na si alyas "Paulo", 40 taong gulang, binata, walang trabaho, at residente ng DHSBRR, Brgy. Balabag, Pavia, Iloilo. Ang pag-aresto ay ginawa sa isang buy-bust operation sa pangunguna ni Police Major Dadje Delima, hepe ng PDEU sa Brgy Ungka 2, Pavia, Iloilo alas-4:39 ng hapon noong Huwebes, Setyembre 18, 2025. Mahigit 85 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PHP578,000.00 ang nakumpiska mula sa suspek. Ang pagbabantay sa kanyang mga iligal na aktibidad ay tumagal ng ilang buwan matapos siyang i-report ng mga concerned citizen sa Pavia, Iloilo dahil sa umano'y pagsali sa mga aktibidad ng ilegal na droga. Ayon sa imbestigasyon, kinukuha niya ang supply ng droga sa Iloilo City at ipinamahagi ito sa Pavia at mga karatig bayan. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Pavia MPS si Paulo at mahaharap sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa RA 9165 na kila...

MAHIGIT 1.6 MILYON PESOS NA HALAGA NG SHABU, NAHULI SA 2 HVI SA ESTANCIA, ILOILO

 Narekober ng Estancia Municipal Police Station (MPS) ang mahigit 236 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PhP1,606,296.00 matapos maaresto ang dalawang high-value individual (HVIs) sa isinagawang buy-bust operation ala-11:50 ng Miyerkules ng gabi, Setyembre 17, 2025, sa Brgy. Gogo, Estancia, Iloilo.  Mahigit isang buwang binabantayan ang mga suspek dahil sa kanilang aktibidad sa iligal na droga bago naaresto sa isinagawang operasyon ng Estancia MPS, Station Drug Enforcement Team (SDET), sa pangunguna ni Police Major John Salvador A Bello, Chief of Police. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “JM,” 28 anyos, lalaki, binata, walang trabaho, at residente ng Brgy. Gogo, Estancia, Iloilo at isang nakalistang HVI ng Estancia MPS; at alyas “Wenwen,” 36 taong gulang, lalaki, binata, walang trabaho, at residente ng Brgy. Pa-on, Estancia, Iloilo, inuri bilang bagong kinilalang HVI.  Batay sa imbestigasyon, kumukuha umano ng suplay ng droga ang mga suspek mula sa Iloilo...

WALANG 'GHOST' AT PALPAK NA INFRASTRUCTURE PROJECTS SA LUNGSOD NG ILOILO

 Sinabi ng mapagkakatiwalaang source na walang mga proyektong pinondohan ng National Government sa pamamagitan ng General Appropriations Acts of 2024-2025 na umiiral bilang ghost projects o substandard o palpak na infrastructure projects sa Iloilo City. Mayroong 21 flood control projects ayon sa datos ng iba't ibang ahensya kung saan tatlo ang natapos at 18 ang patuloy na ginagawa. Sa 18 proyektong isinasagawa, walo ang sinuspinde dahil sa iba't ibang dahilan tulad ng: - mga sagabal dahil sa pagkakaroon ng mga informal at private settler kabilang ang nakaharang na power barge,  - force majeure na dulot ng maraming tropical depression,  - naantala dahil maraming seksyon ang may problema sa pag-access at may presensya ng mga bakawan. Pinagmulta ng liquidated damages ang apat na mga proyekto. Tatlong proyekto na ang natapos na kinabibilangan ng: - Construction of Flood Mitigation Structure (Section 1) sa Mohon na nagkakahalaga ng P90.9-million,  - Construction of Flood ...

BUBONG NG OVERPASS SA ILOILO CITY NA NAGKAKAHALAGA NG 4 MILLION PESOS, HINAHANAP NG MGA RESIDENTE

 Kapag dumaan ang mga residente sa overpass sa Diversion road, lalo na kapag umuulan, hinahanap nila ang pangako ng lungsod na lagyan ito ng bubong para hindi sila mabasa ng ulan. Matatandaang mahigit 4 na milyong piso ang inilaan ng lungsod ng Iloilo na inaprubahan ng city council para malagyan ng bubong ang overpass sa distrito ng Mandurriao. Sinasabing asahan umano noong pang 2024 magsisimula ang paglalagay ng bubong ngunit isang taon na ang lumipas ngunit wala ni isang poste para sa bubong ang naitayo. Inaprubahan ng Iloilo City Council ang P 411,355,313.50 Supplemental Budget No.2 para sa development fund na kinabibilangan ng pagpapaganda ng overpass na may pondong mahigit 4 milyong piso para sa bubong at ilaw. Nabatid na mayroon itong elevator para sa mga taong may kapansanan at senior citizen na pinondohan din para ipaayos. Ayon kay Mr. Joel Gerasmia, Electrical Inspector II sa Iloilo City Engineer's Office, gumastos ang lungsod ng Iloilo ng 5 milyong piso para palitan ang d...

MAHIGIT 500,000 PESOS NA HALAGA NG SHABU, NAHULI SA 2 SUSPEK SA ILOILO

 Matagumpay na naaresto ang bagong kinilalang High-Value Individual at ang kasabwat nitong Street Level Individual sa buy-bust operation sa Sitio Camendes, Brgy. Bancal, Carles, Iloilo, alas-10:00 ng gabi noong Martes, Setyembre 16, 2025, ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Carles Municipal Police Station (MPS), sa pangunguna ni Police Major Sonny Boy D Garnace, Chief of Police. Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang indibidwal na sina alyas "Pandoy," 46 taong gulang, lalaki, at residente ng Brgy. Pani-an, Balasan, Iloilo, na itinuturing a bagong kilalang High-Value Individual (HVI); at ang kasama nitong si alyas "Jim," 40 taong gulang, lalaki, at residente ng Brgy. Bancal, Carles, Iloilo, na itinuturing na Street Level Individual (SLI). Nasamsam ng mga operatiba ang 83 gramo ng hinihinalang shabu, na may tinatayang nagkakahalaga ng Php 564,400. Inilunsad ang operasyon kasunod ng tip mula sa isang concerned citizen hinggil sa aktibidad ng il...

Over 200 volunteers revamp Iloilo school, equip students with digital skills

 TELUS Digital Philippines and partners repaint classrooms, refurbish chairs, and teach digital skills to high school students in Iloilo ILOILO CITY – With public schools across the country still facing classroom shortages, more than 230 TELUS Digital Philippines volunteers helped R.G. Hechanova Memorial National High School in Iloilo to upgrade its facilities and to enhance students’ digital literacy. The initiative, part of TELUS Days of Giving (TDOG) in support of Brigada Eskwela, created safer and more comfortable learning environments for students by repainting classrooms, refurbishing chairs, and renovating changing rooms, while also hosting a digital literacy session to help students navigate AI and social media more safely and confidently in digital spaces. Founded in 1984, the high school had classrooms and facilities showing wear and disrepair, making it difficult for students to focus and participate fully. Volunteers painted 14 classrooms, seven hallways, and four stair...

TRAFFIC ENFORCER NA NANGOTONG, NAHULI SA ENTRAPMENT OPERATION

 Arestado ang lady traffic enforcer sa entrapment operation ng Iloilo City Police Station 2 alas-2:00 ng hapon noong Martes, Setyembre 16, 2025, sa Brgy. Nabitasan, La Paz, Iloilo City. Narekober sa suspek ang 6,300 pesos na boodle money at 100 pesos na marked money. Kinilala ang 26-anyos na suspek na si alyas Trina, residente ng New Site, Brgy. Bitoon, Jaro, Iloilo City. Ang complainant ay si alyas Luis, 22-anyos na college student at residente ng Oton, Iloilo. Unang nahuli ang biktima noong Marso sa Luna Street, La Paz, Iloilo City dahil sa pag-u-turn sa harap ng Gaisano La Paz na ipinagbabawal ng Traffic Management Unit (TMU). Sinabihan siya ng suspek na nakagawa siya ng tatlong paglabag sa trapiko na hindi malulutas sa loob ng 48 oras kung hindi siya magbabayad.  Pinabayad siya ng 500 pesos para hindi siya matiketan. Kinuha ng suspek ang contact number ng biktima at humingi ng pera sa pamamagitan ng GCash. Sinabi ng estudyante na base sa kanyang listahan, nagbigay siya ng ...