Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2022

PINARAHAN ANG MOTORSIKLO, MAY NAHULOG NA SHABU

Arestado ang dalawang suspek na may dala na ilegal na druga sa checkpoint operation ng Molo Police noong Marso 25, 2022 ng madaling-araw. Kinilala ang mga suspek na sina Lomer Juarez, 35-anyos, ng Brgy. Bo. Obrero, Lapuz, Iloilo City at Tommy Basilio, 28-anyos, ng Brgy. Tanza Esperanza, City Proper.  Nakasakay ang dalwang suspek sa motorsiklo nang sila ang pinarahan ng kapulisan na nagsasagawa ng checkpoint operation sa Brgy. Infante, Molo, Iloilo City. Kinuha ni Basilio ang kanyang ID ngunit dalawang sachet ng suspected shabu ang nahulog mula sa kanyang bulsa. Sinubukan pa nitong apakan ng kanyang paa upang itago ngunit nakita na ito ng pulis kaya't siya ang agad na inaresto. Kabuuang 14 na sachet ng suspected shabu ang nakumpiska mula sa kanilang pag-aari nang sila ay kinapkapan ng mga pulis. Haharap sila sa kaso na paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. #iloilobalita #iloilonews Note: Please follow us on our other links: https://iloilonewsandevents....

P238-K NA HALAGA NG SHABU, NAREKOBER SA TATLONG SUSPEK

Humaharap na ng kaso na paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong suspek na nasa kustodiya na ng Iloilo City Police Station 6.  Nahuli ang tatlong suspek ng mga kagawad ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6 (RPDEU6) at nagkakahalaga ng 238,000 pesos na suspected shabu ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation sa Zone 4, Barangay Sto. Niño Norte, Arevalo, Iloilo City noong Marso 21, 2022 ganap na alas 8:15 ng gab-i. Kinilala ang mga suspek na sina: 1) Jessie A Chavez, alyas Dodoy, 30-anyos, binata, at residente ng Zone 5, Barangay Sto. Niño Norte, Arevalo;  2) Arlene R Dalanon, alyas Vicvic, 42-anyos, dalaga at residente ng Zone 4, Sto. Niño Norte, Arevalo; at,  3) Annjee V Mandal, alyas Angie, 35-anyos, kasado, at residente ng Barangay West Timawa, Molo, pawang sa lungsod ng Iloilo. Hinuli sila matapos na nakipagsabwatan at nagbenta sa police poseur-buyer ng isang sachet ng suspected shabu sa halaga na 7,400 pesos....

VICE GOVERNOR CHRISTINE 'TINGTING' GARIN, DUMALO SA MGA PROGRAMA SA BALASAN

 Masyadong naging produktibo ang araw ng Huwebes, Marso 24, 2022, dahil sa tatlong programa sa bayan ng Balasan, Iloilo ang dinaluhan ni Vice Governor Christine "Tingting" Garin. Naging panauhin siya umagang puno ng tatlong programa at mainit siyang sinalubong ng mga guro, mga mamamayan at mga opisyal ng bayan. Isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa Gymnasium sa Balantian Elementary School; nagbigay ng tulong sa mga tricycle driver sa pamamagitan ng Operation Gugma; at nakibahagi sa Culminating Activity ng Women’s Month Celebration. Pinapasalamatan ni Vice Governor Christine "Tingting" Garin sina Balasan Mayor Manuel Ganzon, Vice Mayor Felomino Ganzon at SB members, teaching staff ng Balantian Elementary School sa pagmumuno ni Ma'am Cathy Teves, PTA Officers at Brgy. Officials sa pamumuno ni Punong Brgy. Joven Hermogenes dahil sa kanilang mainit na pagtanggap. #iloilonews Note: Please follow us on our other links: https://iloilonewsandevents.blogspot.com/...

13 NA MGA MOTORSIKLO SA IGBARAS, SINUNOG

Nilamon ng apoy ang 13 naka-park na mga motorsiklo sa Brgy. Igcabugao, Igbaras, Iloilo matapos na sinunog ng itinuturong mga miyembro ng New People's Army. Naganap ang insidente noong gabi ng Marso 21, 2022 sa tapat ng bahay ng isang sibilyan na halos isang kilometro ang layo mula sa patrol base ng CAFGU. Ayon sa report ng Philippine Army, limang persona na nakasibilyan ang pumunta sa bahay, tinutukan ng baril ang may-ari ng bahay at sinunog ang mga motorsiklo.  Napag-alaman na mga sibilyan at mga miyembro ng CAFGU ang nagmamay-ari ng mga motorsiklo na ngayon ay galit dahil apektado ang kanilang hanapbuhay. Pinaghahanap na ng militar upang maaresto ang mga suspek at nakipag-ugnayan na sila sa pulisya, kasama na rito ang pag-alarma sa malapit na mga patrol base ng militar. photo: DPAO #iloilonews Note: Please follow us on our other links: https://iloilonewsandevents.blogspot.com/ https://www.instagram.com/iloilonews/ https://twitter.com/IloilonewsE https://web.facebook.com/antiquene...

P238K NA HALAGA NG ILEGAL NA DRUGA, NAREKOBER SA TATLONG ARESTADO

 Matagumpay na naisagawa ang buy bust operation laban sa mga nahuli na sina: 1) Jessie Chavez y Ansero, alyas Dodoy, 30-anyos, binata, ng Zone 5, Brgy. Sto. Niño Norte, Arevalo, Iloilo City, at sinasabing isang High Value Individual o HVI; 2) Arlene Dalanon y Ruiz, alyas Vicvic, 42-anyos, dalaga, residente ng Zone 4, Brgy. Sto Niño Norte, Arevalo, Iloilo City, at sinasabing isang Street Level Individual o SLI; at, 3) Annjee Mandal y Virgula, alyas Angie, 35-anyos, kasado, residente ng Brgy. West Timawa, Molo, Iloilo City, at sinasabing isang Street Level Individual o SLI.  Ganap na alas 8:00 ng gab-i, Marso 21, 2022, sa Zone 5, Brgy. Sto. Niño Norte, Arevalo ,Iloilo City nahuli ang mga suspek. Narekober mula sa mga suspek ang 19 na sachet ng suspected shabu na tumitimbang ng mas o menos sa 35 na gramos at tinatanyang nagkakahalaga ng 238,000 pesos. Dagdag pa rito, narekober din ang 7,400 pesos na buy bust money. Nananatili na sa kustodiya ng Arevalo Police Station ang mga susp...

P200K NA HALAGA NG ILEGAL NA DRUGA, NASAMSAM SA MAG-LIVE-IN PARTNER

Nahuli sa buy bust operation sina Lessa Charmaine Mendoza, 32-anyos, residente ng Brgy. Poblacion Centro, Calinog, Iloilo, na isang online seller at Angelo Roy Morales y Cenar, 36-anyos, ng Brgy. Bakhaw, Mandurriao, Iloilo City. Ganap na alas 5:30 ng hapon, Marso 21, 2022, sa Brgy. Poblacion Centro, Calinog, Iloilo nahuli ang dalawang suspek sa pamamagitan ng joint operation ng Calinog Municipal Police Station Drug Enforcement Unit at PDEA Iloilo Provincial Office. Narekober mula sa kanila ang 12 na sachet ng suspected shabu na tumitimbang ng halos 30 gramos na nagkakahalaga ng 204,000 pesos, at ang buy-bust money. Haharap ang mga suspek sa kaso na paglabag sa Sections 5, 11 at 26 may ugnay sa Section 5 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. #iloilonews Note: Please follow us on our other links: https://iloilonewsandevents.blogspot.com/ https://www.instagram.com/iloilonews/ https://twitter.com/IloilonewsE https://web.facebook.com/antiquenewsande...

KAGAWAD, PATAY NANG NAHAGIP NG MOTORSIKLO

Namatay ang Barangay Kagawad na si Rodel Hubero, 55-anyos, ng Brgy. Gua-an, Leganes, Iloilo matapos na  nabangga ng motorsiklo. Kinilala ang suspek na si Pfizer Britania, 45-anyos, at residente ng Barotac Nuevo, Iloilo. Nangyari ang vehicular accident sa Brgy. Gua-an, Leganes, Iloilo ganap na alas 6:00 ng umaga, Marso 21, 2022. Ayon sa Leganes MPS, hindi nakita ni Britania na naglalakad sa daan si Hubero. Agan na dinala sa ospital ang biktima ngunit ito ay binawian ng buhay. Sa imbestigasyon ng pulisya, walang indikasyon na nakainom ng alak ang suspek na nagtamo rin ng sugat sa katawan dahil sa aksidente. Handa naman ang pamilya ng biktima na kasuhan ang suspek. #iloilonews Note: Please follow us on our other links: https://iloilonewsandevents.blogspot.com/ https://www.instagram.com/iloilonews/ https://twitter.com/IloilonewsE https://web.facebook.com/antiquenewsandevents https://web.facebook.com/guimarasnews https://web.facebook.com/ilonggolife https://web.facebook.com/iloilobalita...

PRRD signs Public Service Act Amendments

  Three months before he steps down as the country’s Chief Executive, President Duterte signs the amendments to the 85-year-old Public Service Act. The Amendments to the Public Service Act clarifies the definition of ‘public utility’, which has been traditionally left to the judgement of the Judiciary. The law now limits ‘public utility’ to distribution and transmission of electricity, petroleum and petroleum products transmission, water distribution and wastewater systems, seaports, and public utility vehicles. The 1987 Constitution limits foreign equity ownership of public utilities to up to a maximum of 40%. AAMBIS-OWA Party List Representative Sharon Garin said, “A step towards liberalization is to limit the industries where foreign ownership is restricted. Under the new measure, the 40% cap on foreign equity ownership is lifted from public services not classified as public utility.” The law also recognizes that the regulatory powers of the Public Service Commission have long...

NORTHERN NEGROS AT NORTHEN PANAY, IKOKONEKTA NG BAGONG RUTA NA BUBUKSAN

Bubuksan ang bagong ruta sa pagitan ng Northern Negros at Northern Iloilo na ikokonekta ng isang shipping line na magsisimula sa Biernes, Marso 25, 2022. Inilathala ng F.F. Cruz Shipping Corporation sa kanyang Facebook page na mag-uumpisa ang biyahe ng bago nilang ruta na dadaong sa mga pantalan ng Bay-ang, Ajuy at EB Magalona, Negros Occidental. Inaasahan na magiging mabilis ang biyahe ng mga pasahero at produkto mula sa Northern Iloilo at karatig-lugar sa Capiz at Aklan papuntang Northern Negros Occidental at karatig-lugar sa Negros Oriental kung masimulan na ang biyahe. Karagdagang trabaho ang inaasahan para sa mga driver, kargador at mga nagtitinda. #iloilonews Note: Please follow us on our other links: https://iloilonewsandevents.blogspot.com/ https://www.instagram.com/iloilonews/ https://twitter.com/IloilonewsE https://web.facebook.com/antiquenewsandevents https://web.facebook.com/guimarasnews https://web.facebook.com/ilonggolife https://web.facebook.com/iloilobalita https://www....

BANGGAAN NG TRICYCLE AT MOTORSIKLO, IKINAMATAY NG PAREHONG DRIVER

Nangyari ang vehicular accident sa pagitan ng tricycle at motorsiklo na nagresulta ng pagkamatay ng dalawang tawo at pagkasugat ng apat na pasahero. Naganap ang aksidente sa kalsada ng Brgy. Ilaya 1st, Dumangas, Iloilo ganap na alas 5:45 ng umaga, Marso 20, 2022. Namatay si Rechie Viñas, 37-anyos, ng Brgy. Ilaya Poblacion, Barotac Nuevo, Iloilo na siyang nagmamaneho ng Yamaha Aerox 155 na motorsiklo, habang sugatan naman ang angkas nito na si Marvin Gingco ng Bacolod City, Negros Occidental. Namatay din si Paciano Descalsota, 54-anyos, ng Brgy. Calao, Dumangas, Iloilo dahil sa natamong sugat sa ulo at siyang nagmamaneho ng tricycle. Nagtamo rin ng sugat sa katawan ang mga pasahero ng tricycle na sina Ma. Evelyn Bernante 57-anyos; Nelly Jabsaban, 82-anyos; at 12-anyos na babaye na mga residente ng Brgy. Calao, Dumangas , Iloilo. Ayon sa Dumangas MPS, salubong ang sitwasyon ng banggaan ng motorsiklo na papuntang Barotac Nuevo, Iloilo at ang tricycle naman ay papunta sa bayan ng Dumangas,...

GIKAN SA KARSEL, MAGABALIK SA KARSEL

Nadakpan sa buy bust operation ang mag-live-in partner nga sanday Malver Castillo, 39-anyos, sang Brgy. Bitoon, Jaro kag Catherine Palomar Alegrado, 31-anyos sang Brgy. Bakhaw, Mandurriao. Si Castillo ang subject sang nasambit nga operation nga ginhiwat takna alas 8:30 sang aga, Marso 20, 2022, sa Brgy. Aguinaldo, La Paz. Narekober sa ila ang 9 ka sachet sang suspected shabu kag 1,400 pesos nga buy bust money. Ginpahayag sang fruit vendor nga si Castillo nga sang tuig 2012 nadakpan man siya sa buy bust operation sang mga katapo sang PDEA-6 kag sang 2020 siya nakagwa gikan sa prisuhan. Ginbuyagyag naman ni Alegrado nga sadtong 2018 sang yara pa sa prisuhan si Castillo nag-umpisa ang pagtamdanay nila nga duha bangud man sa pagpatigayon sang ila mga abyan kag nagpabilin sila nga live-in partner tubtub karon. Gin-aku ni Castillo nga liwat siya nga nagagamit sang ilegal nga druga kag lakip man si Alegrado. (pahibalo: indi ini ang aktwal nga larawan) photo by: coconuts.co #iloilonews Note: P...

ATI, PATAY SA SAKSAK NG NAGSELOS NA KASINTAHAN

 Nagtamo ng sugat sa kanang bahagi ng katawan ang biktima na si Marlyn Powden, 31-anyos, na idineklarang dead on arrival sa Don Jose S. Monfort Medical Center Extension Hospital sa Barotac Nuevo, Iloilo ng nagkalingang doktor na si Dr. Arriane Gabriela. Nangyari ang insidente ganap na alas 8:00 ng umaga, Marso 20, 2022, sa Sitio Balagon, Brgy. Badiang, Anilao, Iloilo. Kinilala ang suspek na si Federico Solis, 49-anyos, live-in partner ng biktima at residente din ng nasambing lugar. Ang sugat na natamo ng biktima ay mula sa kutsilyong may habang 10 pulgada at ang motibo ng insidente ay dahil sa selos ng suspek. Ayon sa Anilao MPS, bago pa man nangyari ang insidente inagaw na ng suspek ang cellphone ng biktima dahil sa pagdududa na may tini-text na ibang tao ang biktima. May insidente din noon na pinalakol ng suspek ang cellphone ng biktima dahil sa selos ngunit ayon naman sa kamag-anak ng biktima na hindi totoo nga may textmate si Marlyn. May tatlong anak ang mga ati na mag-live-in ...

MORE POWER, PINAGHAHANDAAN ANG PAGLAKI NG LOAD REQUIREMENT SA PAMAMAGITAN NG PAGLAGAY NG 33 MVA TRANSFORMER

 Inaasahan na ng MORE Power ang paglaki ng load requirement sa City Proper Area kaya't ang 30 taong 20 MVA power transformer ay kanila nang papalitan ng mas may malakas na kapasidad na 33 MVA power transformer. Sinabi ni MORE Power Iloilo President Roel Castro na kanilang inaasahan ang dagdag na humigit-kumulang sa limang porsyento na load requirement dahil sa umuunlad na lungsod at ang posibleng pagbukas ng maraming mga negosyo dahil na rin sa lumuluwag na kilos ng mga tao sa gitna ng pandemya. Tinatrabaho na nila ang 33 MVA power transformer para sa City Proper area at dahil dito ang ibang power load ng City Proper Area ang inilipat sa mga feeders na nagkokonekta sa mga substation sa La Paz, Molo, Jaro at Mandurriao upang hindi maapektuhan ang suplay ng kuryente sa City Proper area. Tinatayang nagkakahalaga ng 50 million pesos ang 33 MVA power transformer na gawan mula sa bansang South Korea at binili ito ng MORE Power sa MERALCO.     Bago magtapos ang buwan ng Marso, a...

MA. PHOEBE SUBO NG WVSU-COLLEGE OF MEDICINE, TOP 8 SA LICENSURE EXAM

 CONGRATS! MA. PHOEBE SUBO NG WVSU-COLLEGE OF MEDICINE, TOP 8 SA LICENSURE EXAM Binabati si Ma. Phoebe Subo na naging Top 8 sa March 2022 Physician Licensure Examination. Nagtapos si Subo sa West Visayas State University (WVSU) - College of Medicine. May rating siya na 87.08 percent. Kabuuang 1,427 ang nakapasa sa 2,837 na mga kumuha ng pagsusuri ayon sa Professional Regulation Commission at ang pagsusuri ay isinagawa noong March 6, 7, 13, at 14.  #iloilonews Note: Please follow us on our other links: https://iloilonewsandevents.blogspot.com/ https://www.instagram.com/iloilonews/ https://twitter.com/IloilonewsE https://web.facebook.com/antiquenewsandevents https://web.facebook.com/guimarasnews https://web.facebook.com/ilonggolife https://web.facebook.com/iloilobalita https://www.youtube.com/channel/UCSWEU5-OJ7vxTc1y3En_QgA thank you in advance for liking, sharing and subscribing...

BRGY. SAN JOSE SA MIAGAO, MAKAKATANGGAP NG ROAD PROJECT

 Isinagawa ang groundbreaking ceremony sa Brgy. San Jose, Miagao, Iloilo noong Biernes, Marso 11, 2022 bilang panimula para sa implementasyon ng Concreting of Local Access Road with Flood Prevention Structure.  Ang 8.5 million pesos na proyekto ay pinondohan ng National Government sa pamamagitan ng Local Government Support Fund - Support to Barangay Development Program, pinapatupad ini ng Provincial Government of Iloilo sa pamamagitan ng kanyang Provincial Engineering Office na inaasahan na makapaganda sa araw-araw na biyahe ng komunidad at makapaikli sa oras ng kanilang biyahe sa pagdala ng kanilang mga produkto mula sa bundok papuntang pamilihan. Sa matagal na panahon, ang Barangay San Jose ay binabagabag ng presensya ng Communist Terrorist Group (CTGs), at ang kanilang pag-unlad ay nahadlangan dahil sa pagpalag ng nasabing grupo sa kapayapaan at pag-unlad. Maliban sa road project, benepisyaryo din ang San Jose ng 2 Million pesos na halaga ng Solar Powered Streetlights at Mi...

TATLONG BARANGAY SA BAYAN NG MIAGAO, NAKATANGGAP NG AGRICULTURE MACHINERY AT FACILITIES

 Ibinigay ng Iloilo Provincial Government sa pamamagitan ng Provincial Agriculture's Office ang agriculture machinery at facilities sa mga Barangay ng San Jose, Wayang, at Banbanan sa Miagao, Iloilo noong nakalipas na Biernes, Marso 11, 2022.  Ginanap ang seremonya sa Miagao Municipal Hall grounds na may programa na dinaluhan ng mga Barangay Officials, DILG Region 6 Director Juan Jovian E. Ingeniero, DILG Iloilo Provincial Director Teodora P. Sumagaysay, Mayor Macario N. Napulan, 6IB PA LTC Harold E. Garcia, at Miagao PNP Chief Police Captain Marvin S. Buenavista. Si Provincial Administrator Atty. Dennis T. Ventilacion, ang nagrepresenta kay Gov. Arthur R. Defensor Jr., nagsabi na ang lalawigan ng Iloilo ay may 165 na mga proyekto na pinondohan ng Local Government Support Fund - Support to Barangay Development Program, pinakamarami sa Region 6.  Inaasahan na makatulong ang proyekto sa dagdag na ani ng mga magsasaka sa nasabing mga lugar. #iloilonews Note: Please follow us...

GROUNDBREAKING CEREMONY NG FARM TO MARKET ROAD SA IGBARAS, ISINAGAWA

 Pinangunahan ni Atty. Dennis Ventilacion, Acting Provincial Administrator, ang groundbreaking ceremony ng Concreting of the Farm to Market Road (FMR) Project sa Brgy. Alameda, Igbaras, Iloilo noong Marso 8, 2022.  Ang ensuring road project ay may kabuuan na aprubadoong badyet na 16.5 million pesos at ito ay may pondo sa ilalim ng Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program of the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (LGSF SBDP NTF ELCAC), at ipinapatupad ng Iloilo Provincial Government.  Sa pamamagitan ng proyekto, ang masobra sa 200 na kabahayan sa barangay ay makatamasa ng magandang daanan papuntang palengke, sa mga pasilidad ng gobyerno at mga serbisyo. Mayroong 36 na LGSF SBDP NTF ELCAC beneficiary barangays sa lalawigan ng Iloilo at bawat barangay ay may alokasyon na 20 million pesos para sa pagpapatupad ng kanilang priority programs, projects and activities.  #iloilonews Note: Please follow us on our other links...

GROUNDBREAKING NG BAGONG FISH PORT SA CONCEPCION, ISINAGAWA

 Pinasalamatan ni Governor Arthur Defensor, Jr. ang Korea International Cooperation Agency (KOICA) at ang gobyerno ng South Korea sa pagpursige ng rehabilitation at development ng Concepcion fish port sa ilalim ng Northern Iloilo Fishery Rehabilitation Project (NIFDR) kahit na may ilang technical issues na hinarap ito noong nakalipas na mga taon. Pinondohan ng KOICA ang 150 million pesos na proyekto bilang bahagi nga kanyang tulong sa lalawigan ng Iloilo kasunod ng mga pinsala dahil sa bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013. Napag-isipan ang plano noong panahon pa ni former Governor Arthur Defensor, Sr. kasama ng kanyang Provincial Administrator na si Raul Banias na ngayon ay alkalde ng nasambing bayan. Nagsimula ang proyekto noong huling bahagi ng nakaraang taon, ayon kay Banias, ngunit ang opisyal na groundbreaking ceremony ay ginawa noong Miyerkules, Marso 16, 2022 kasunod ng pagluwang sa COVID-19 regulations at travel restrictions. Dumalo sa groundbreaking ceremony sa projec...

PORT OF ILOILO, PLANO NA GAWING CREW CHANGE HUB PARA SA WESTERN VISAYAS

 Nakipagpulong ang mga opisyal sa pamumuno ng Department of Transportation sa tanggapan ng gobernador ng Iloilo tungkol sa plano na pagpatayo ng Crew Change Hub para sa Western Visayas. Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Narciso Vingson, Jr. ang pangkat, kasama ang personnel mula sa Philippine Ports Authority, Bureau of Customs, Maritime Industry Authority, Bureau of Quarantine at Philippine Coast Guard na nakipagpulong kay Governor Arthur Defensor, Jr. noong Marso 10, 2022 ng umaga. Pakay nila na hingin sa gobernador ang kanyang pag-apruba sa proposal na gawin ang Port of Iloilo (Iloilo Commercial Port Complex) bilang Crew Change Hub for Western Visayas. #iloilonews Note: Please follow us on our other links: https://iloilonewsandevents.blogspot.com/ https://www.instagram.com/iloilonews/ https://twitter.com/IloilonewsE https://web.facebook.com/antiquenewsandevents https://web.facebook.com/guimarasnews https://web.facebook.com/ilonggolife https:/...

MGA TRICYCLE DRIVER SA APAT NA BAYAN, NABIGYAN NG TULONG NG 'OPERATION GUGMA'

Nabigyan ng tulong mula sa Operation Gugma ng tanggapan ni Vice Governor Christine "Tingting" Garin ang mga rehistrado na tricycle drivers sa apat na mga bayan probinsya ng Iloilo. Umpisa noong Lunes, Marso 14, hanggang Martes, Marso 15, 2022, ang pamimigay ng tulong sa mga nasabing tricycle drivers upang makabigay ng kaunting kaluwagan sa hirap ng sitwasyon lalo na ngayong tumaas ang presyo ng langis. Pinuntahan ang mga bayan ng Alimodian, San Miguel, Zarraga at New Lucena at personal na namigay ng tulong si Vice Governor Christine "Tingting" Garin.  Nag-alala ang bise gobernador sa kalagayan ng ating mga tricycle drivers kaya't pinuntahan niya mismo ang mga ito at binigyan ng tulong sa pamamagitan ng Operation Gugma. #iloilobalita Note: Please follow us on our other links: https://iloilonewsandevents.blogspot.com/ https://www.instagram.com/iloilonews/ https://twitter.com/IloilonewsE https://web.facebook.com/antiquenewsandevents https://web.facebook.com/guimara...

ILOILO SP SUPPORTS AKLAN SP IN OPPOSING BIDA

The Committee on Ordinances, Legal Matters and Inter-Government Relations chaired by 2nd District Board Member June Mondejar recommended to the 13th Sangguniang Panlalawigan of Iloilo to adopt his committee report and approve the resolution opposing the creation of Boracay Island Development Authority and strongly supporting Resolution No. 2021-1425 of the Sangguniang Panlalawigan of Aklan. The resolution entitled, "A Resolution Vehemently Opposing the Creation of Boracay Island Development Authority (BIDA) and Strongly Supporting Resolution No. 2021-1425 of the Sangguniang Panlalawigan of Aklan" was agreed and approved by the 13th Iloilo SP.   The Resolution No. 2021-1425 of the Sangguniang Panlalawigan of Aklan entitled, "A Resolution Reiterating in the Strongest Possible Terms the Continuing Objection of the People of Aklan to House Bill No. 9826 Creating a Boracay Island Development Authority (BIDA) in Contravention of the 1987 Philippine Constitution and the Local G...

ILOILO SP FOCUSES ITS LEGISLATIVE ACTION IN ADDRESSING COVID-19 PANDEMIC

  The legislative action of the 13th  Sangguniang Panlalawigan of Iloilo this year will focus on addressing COVID-19 pandemic concerns amidst election season. The campaign period is fast approaching and the term of 13th Sangguniang Panlalawigan of Iloilo is about to end. After election, there will be new members but majority of the incumbent board members will still be there because they have no political opponents. In the radio program Sanggunian In Action, 4th District Board Member Domingo Oso, Jr. said that their direction, with the Vice Governor and majority of the board members, will focus on addressing COVID-19 concerns, especially that the province was declared an under state of health emergency and was declared also as under the state of calamity due to typhoon Odette.  "With the programs of the governor, our legislative action will focus on addressing COVID-19 concerns, especially the presence of new variant, in order to minimize the ill effect, and to support th...

ELECTIONS NOT A DISTRACTION TO 13TH ILOILO SP

  The presiding officer of the 13th Sangguniang Panlalawigan of Iloilo believes that the elections could not distract the public service they are rendering to the people of the Province of Iloilo. Vice Governor Christine "Tingting" Garin, through radio program Sanggunian In Action, expressed that even the two years of pandemic has not caused any significant distraction to their functions and duties. "Each member of the 13th Iloilo SP strived to attend their sessions, in fact we always have a quorum," Vice Governor Christine "Tingting" Garin said.   She said that this year is a big challenge for them not just because of pandemic but because of election season. "We have seen that even after filing the certificate of candidacy of our board members they already roamed around their constituents, they became diligent even as early as October, but nothing has distracted us. I know they are all dedicated to serve,' Garin added. She thanked the board membe...